^

Metro

Driver hinoldap, taxi tinangay pa

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Doble kamalasan ang ina­bot ng isang taxi driver dahil bukod sa kinuha ang kanyang kinita sa magdamag ay ti­nangay pa ng mga holdaper ang kanyang pinapasadang taxi sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Personal na dumulog sa Police Station 2 ang biktimang si Jun Soberano, 42, ng Brgy. Bagbag, Quezon City.

Sa ulat ni PO3 Jonathan Diva, naganap ang insidente alas-3:40 ng madaling-araw sa panulukan ng Kalawag at Ilagan Sts., Brgy. Paltok.

Bago ito, isa sa mga suspect na nagkunwaring pasahero ang sumakay sa biktima sa nasabing lugar.

Ilang sandali pa, bigla na lamang sinakal ng suspect ang biktima saka tinutukan ng patalim, bago ang ilang kasamahan ng una na naghihintay sa nasabing lokasyon ay pumasok na rin sa taxi saka iginapos at tinakpan ang bibig nito gamit ang duct tape ang biktima.

Matapos ito, sinimulan ng mga suspect na limasin ang kinita ng biktima na halagang P2,700 at driver’s license, bago humarurot papalayo sa lugar. Pagsapit sa Brgy. San Antonio sa lungsod ay ibinaba ng mga suspect ang biktima saka tinangay ang taxi nito na Toyota Vios (UCQ-829) at may markang  GMAT Taxi.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGBAG

BRGY

ILAGAN STS

JONATHAN DIVA

JUN SOBERANO

POLICE STATION

QUEZON CITY

SAN ANTONIO

TOYOTA VIOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with