^

Metro

Kalbaryo sa re-blocking, simula Huwebes Santo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sasabayan ng sangkaterbang road re-blocking ang ga­gawing pagbibiyahe ng marami nating kababayan ngayong Holy Week.

Ito ay makaraang pumayag ang Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) na simulan bukas, Huwebes Santo ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road re-blocking sa ilang bahagi ng EDSA Avenue at C-5.

Ito ay paalala kahapon ng MMDA sa publiko lalo na sa mga motoristang magtutungo sa mga apektadong lugar ng road re-blocking.

Alas-12:01 ng madaling-araw ng Huwebes Santo sisimulan ang road re-blocking ng DPWH at matatapos hanggang Abril 5, alas-12:00 ng tanghali.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang-bahagi ng South-bound, kahabaan ng Mindanao Avenue mula Road 8 hanggang North Avenue (1st Lane); kahabaan ng E. Rodriguez Jr. Avenue / C-5 pagitan ng Poseidon St. at Green Meadows Avenue (2nd Lane from sidewalk); kahabaan ng EDSA pagitan ng Connecticut  hanggang Guadalupe Bridge, Mandaluyong City; kahabaan ng EDSA mula Guadalupe Station hanggang Estrella Street (4th at 5th Lane) at kahabaan ng C-5 Road Pasig Boulevard hanggang Bagong Ilog Service Road.

Sa North-bound, ay ang kahabaan ng EDSA Guadalupe Bridge hanggang Temple Drive Mandaluyong City; Kahabaan ng  C-5 Road mula Valle Verde/Resins Inc. hanggang SM Warehouse (2nd Outermost Lane) at kahabaan ng EDSA mula Buendia hanggang Escuela Street (4th at 5th Lane).

Inaasahan na ang pagsisikip ng daloy ng trapiko at pinayuhan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang mga motorista partikular ang mga pauwi ng probinsiya na kung maaari ay umalis na ng maaga sa Metro Manila.

Ito’y upang makaiwas sa matinding abala dahil sa inaasahan na ring buhos ng maraming tao sa mga terminal na uuwi sa probinsiya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BAGONG ILOG SERVICE ROAD

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GUADALUPE BRIDGE

HANGGANG

HUWEBES SANTO

ITO

KAHABAAN

ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with