^

Metro

Milyong halaga ng deodorant hinaydyak ng mga ‘parak’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hinarang ng mga unipormadong ‘pulis’ ang isang ten-wheeler truck na naglalaman ng mga produkto ng Unilever Philippines kung saan inabandona ang driver  at pahinante sa lalawigan ng Bulacan, sa ulat kahapon.

Batay sa report ni Supt. Fernando Opelanio, hepe ng Manila Police District-Station 8, hatinggabi kamakaialan nang maganap ang hijacking sa panulukan ng Ramon Magsaysay Boulevard at V. Mapa St. Sta. Mesa, Maynila.

Ayon sa ulat, anim na lalaki kung saan apat sa mga ito ang  nakasuot pa ng PNP patrol uniforms sakay ng Toyota Avanza na kulay puti (TVB-847) ang sina­sabing hu­marang at nanutok ng baril sa 10-wheeler truck na kargado ng milyong halaga ng deo­dorant product.

Ipinosas ang driver na si Marvin Orcojada, 28, at pahi­nanteng si Joey Pacao, 30, ng mga armado ng baril na mga suspek saka pinababa ng truck at pinasakay sa Avanza  kasama ang tatlong suspek habang ang tatlo naman ang siyang kumumander sa truck.

Pagsapit sa Sta. Cruz, Bulacan ay pinababa ang da­lawa ay tuluyan nang tina­ngay ng mga suspect ang truck.

Humingi ng saklolo sa Bulacan Police ang mga biktima bago sila inendorsong maghain ng reklamo sa MPD-Theft and Robbery Section.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BULACAN

BULACAN POLICE

FERNANDO OPELANIO

JOEY PACAO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAPA ST. STA

MARVIN ORCOJADA

MGA

RAMON MAGSAYSAY BOULEVARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with