^

Metro

2 nag-suicide sa Maynila, QC

Ludy Bermudo at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang lalaki kabilang ang isang 71-anyos na lolo ang kapwa nagpatiwakal sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Quezon City.

Sa lungsod ng Maynila nagbigti ang 38-anyos na si Don  Javier, residente ng Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga. Dakong alas-5:00 ng umaga nang madiskubre ni Emmy Maborang, live-in partner ng biktima na wala nang buhay ang huli.

Nabatid na inumaga umano ang kinakasama ng biktima sa pakikipag-inuman sa mga kapitbahay at nang umuwi ito at pumanhik sa ikatlong palapag ng kanilang bahay ay nadiskubreng nagbiti ang biktima.

Nagsimulang ma-depress ang biktima nang magkasunod na mamatay ang lola at kapatid nitong lalaki na sinasabing tumutulong dito dahil sa walang hanapbuhay ang una.

Sa Quezon City, bunga naman ng sakit na lung cancer, isang lolo ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili, kahapon ng umaga .

Kinilala ang nasawi na si Angelito Domingo, retiradong empleyado­ sa isang pribadong kompanya at nakatira sa Westside Homes, Brgy. Kristong Hari, Quezon City.

Alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang duguang bangkay ni Domingo sa master’s bedroom sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.

Sinabi sa pulisya ni Ma. Theresa, asawa ng biktima, umalis lamang siya para mamalengke at sa kanyang pagbalik sa bahay­, laking gulat niya nang tumambad sa kanya ang duguang bangkay ng mister  na may tama ng bala ng .38 kalibre ng baril sa kanang pisngi.

Sa pahayag naman ng kapitbahay ng biktima sa mga ta­uhan ng Scene of the Crime Operation (SOCO), may narinig umano silang putok  ng baril  subalit hindi sila makapasok sa loob ng bahay ng mag-asawa dahil naka-lock ang pinto.

Hinala ng pulisya, maaaring ang sakit na cancer ng nasawi ang dahilan ng pagpapatiwakal nito.

Kasalukuyan namang sinisiyasat ang dalawang insidente para alamin kung may naganap na foul play.

vuukle comment

ANGELITO DOMINGO

EMMY MABORANG

KRISTONG HARI

MAYNILA

QUEZON CITY

QUIRICADA ST.

SA QUEZON CITY

SCENE OF THE CRIME OPERATION

WESTSIDE HOMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with