^

Metro

68-anyos na lola, lasog sa cement mixer

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lasog ang isang 68-anyos na lola ma­tapos itong masagasaan at magulungan ng isang cement mixer, kahapon sa Makati City.

Nakilala ang nasawi na si Rosalinda Lastico, nakatira sa Brgy. Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod.

Samantala, nakatakda namang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide ang driver na si Mark Aquino, 34, ng San Rafael III, Noveleta, Cavite.

Ayon sa report ni Makati City Police Sub Station 7 Officer-In-Charge (OIC), Police Chief Inspector Eligio Balictar, naganap ang insidente alas-10:00 ng umaga sa panulukan ng Kalayaan Avenue at Jacinto St., Brgy. Guadalupe Nuevo ng naturang siyudad habang ang biktima ay papatawid sa na­turang lugar nang mahagip ng isang cement mixer ( UQY-440)  na minamaneho ni Aquino kung saan nagulungan pa ito.

Dahil sa insidente, kaagad itong ipinagbigay-alam sa mga pulis at pagresponde ng mga ito ay dito nila naabutan ang biktimang si Lastico na nasa ilalim ng gulong ng na­turang cement mixer habang kaagad namang dinakip ang suspek na si Aquino. Patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente.

vuukle comment

AQUINO

BRGY

GUADALUPE NUEVO

JACINTO ST.

KALAYAAN AVENUE

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE SUB STATION

MARK AQUINO

POLICE CHIEF INSPECTOR ELIGIO BALICTAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with