^

Metro

Mag-ina,1 pa huli sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang mag-ina na nabubuhay sa pagtu­tulak umano ng iligal na droga kasama ang isa pang babae sa ikinasang operas­yon ng mga tauhan ng Ma­labon City Police, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Nakilala ang mga nadakip na sina Elizabeth Mamariso, alyas Elizabeth Dela Vina Tatac, 68; anak nitong si Ricardo Mamariso, 32; at  si Edna Closa, 52.

Sa ulat ng Malabon Police Anti-Illegal Drug-Special Ope­rations Task Group, isina­gawa ang operasyon sa kuta ng mag-inang Mamariso dakong alas-7:30 ng umaga sa bisa ng search warrant na inilabas ni Malabon City Regional Trial Court Branch 74 Judge Celso Magsino.

Nadiskubre umano ng mga pulis sa ginawang pag­hahalughog sa bahay ng mga suspek ang nasa walong gramo ng hinihi­nalang shabu sanhi upang arestuhin ang tatlo.

Nakadetine ngayon ang mga suspek sa Malabon Police detention cell habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

CITY POLICE

DRUG-SPECIAL OPE

DRUGS ACT

EDNA CLOSA

ELIZABETH DELA VINA TATAC

ELIZABETH MAMARISO

JUDGE CELSO MAGSINO

MALABON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MALABON POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with