^

Metro

2 kelot niratrat, dedo sa Malabon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang dalawang lalaki makaraang pagbabarilin ng nasa dalawang gunman sa hindi pa mabatid na dahilan, kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Malabon.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutang Bayan ng Malabon ang 54 na si Francis Frasdilla, ng Sanadama Letre Flovi Homes, Brgy. Tonsuya, habang nalagutan naman ng hininga sa Tondo General Hospital dakong alas-6:30 ng gabi si Pedro Bribon, 67, welder, at residente rin ng naturang lugar.

Blangko naman ang pulisya sa pagkakakila nlan ng mga salarin na mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sa inisyal na ulat, nag-uusap ang mga biktima kasama ang isang Elena De Vera sa Phase 5 ng Flovi Homes dakong alas-3:30 ng hapon ukol sa mga daanan sa kanilang lugar nang dumating ang mga armadong salarin at agad na pagbabarilin si Frasdilla. Nagawa namang makatakbo ni Bribon ngunit hinabol at pinagbabaril rin ito ng mga salarin bago tumakas.  Hindi naman nagalaw sa insidente si De Vera.

Nakuha sa lugar ng krimen ang walong basyong bala buhat sa isang kalibre .45 baril at tatlong basyong bala buhat naman sa isang kalibre .9mm na baril.

Patuloy ngayon na isinasailalim sa imbestigasyon ang insidente at kumakalap ng mga impormasyon upang mabatid ang motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan sa mga gunmen.

vuukle comment

DE VERA

ELENA DE VERA

FLOVI HOMES

FRANCIS FRASDILLA

MALABON

PAGAMUTANG BAYAN

PEDRO BRIBON

SANADAMA LETRE FLOVI HOMES

TONDO GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with