^

Metro

Simula Marso 31 hanggang April 3 Pasay, Las Piñas, Parañaque at Cavite, mawawalan ng tubig

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bunga ng isinasa­gawang flood control pro­ject ng Department of Public Works and Highways (DPWH), magkakaroon ng  mula 14 oras hanggang 28 oras na pagkawala ng suplay ng tubig sa mga lugar ng Pasay, Las Piñas, Parañaque at Cavite mula Holy Tuesday (March 31) hanggang  Good Friday (April 3).

Ayon sa Maynilad, may ilalagay na inter­ceptor drainage box culvert  (DBC) sa kahabaan ng  Blumentritt St. na tatagos sa water pipe ng Maynilad sa kahabaan ng Juan Luna St. sa kanto ng Hermosa St. kayat ka­ilangang ma-realign ang water pipe ng Maynilad para maisagawa ang DPWH flood control project.

Binanggit ng Maynilad  na bunga ng proyektong ito ng DPWH, kailangan nila ang 72-oras para  mag-drain,  realign at mag-energize sa apektadong water pipe dahil mayroon itong 7-foot-tall (2,200mm dia­meter) primary line.

Dulot ng proyekto, mag­lalagay ang Maynilad ng isang 1,500mm bypass line  upang tuloy na makadaloy ang tubig sa ilang mga lugar­ habang inilalagay ang bagong 2,200mm-diameter cross-under pipe segment.

Sinasabing itinaon ng DPWH na maisagawa ngayong Holy Week ang pro­yekto na pinayagan naman ng Maynilad dahil karamihan sa mga cus­tomers ay nasa bakasyon.

May 24 water tankers naman ang lilibot sa naturang mga lugar para magbigay ng libreng tubig sa panahon na walang suplay.

Pinayuhan din ng Maynilad ang mga kostumer na mag-ipon na agad ng tubig bago pa ang takdang araw ng water interruption upang may magamit sa panahon na isinagawa ang naturang proyekto.

vuukle comment

BLUMENTRITT ST.

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

GOOD FRIDAY

HERMOSA ST.

HOLY TUESDAY

MAYNILAD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with