^

Metro

Indian national, naningil ng pautang, pinatay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang In­dian national nang pagbabarilin habang nani­ningil ng pautang sa Baseco, Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa Gat. Andres Bonifacio Me­dical Center ang biktimang si Bakesk Kumar, 30, ng Quezon City.

Hindi pa tukoy ang suspek na tumakas ma­tapos ang pamamaril bitbit­ ang ginamit na kalibre .45 pistola.

Sa ulat ni SPO2  Jo­nathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-7:00 ng umaga  nang barilin ang biktima  sa tapat ng kanyang nakaparadang Honda TMX motorsiklo (VC-3240)  sa Block 42, New Site, Baseco.

Naniningil umano ng pautang ang biktima sa lugar nang biglang lumutang ang suspect at pagbabarilin ang una. Tinangka pa itong isugod sa ospital pero hindi na rin naisalba pa ang buhay.

Wala namang tina­ngay na gamit o salapi mula sa biktima.

Posible umanong may nag-utos lamang sa gunman na patayin ang biktima na po­sibleng may kinalaman sa malaking utang upang hindi na masingil.

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO ME

BAKESK KUMAR

BASECO

BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NEW SITE

PORT AREA

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with