^

Metro

2-anyos lunod sa abandonadong swimming pool

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 2-anyos na batang lalaki ang nasawi matapos na umano’y malunod sa isang abandonadong swimming pool sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay PO3 Marlon Dela Vega, ang biktima ay nakilalang si Steven Bonnie Tejada, residente sa Interior 3, Main Horseshoe Drive, Brgy. Horseshoe sa lungsod.

Nangyari ang insidente sa may isang compound na mata­tagpuan sa Ilang-ilang St., Brgy. Immaculate Concepcion, ganap na alas -4:30 ng hapon.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na sa naturang lugar nag-oopisina ang nanay ng biktima na si Wilma Tejada kung saan kasama nito ang una habang nasa opis.

Sinasabing habang gumagawa ng kanyang paper works si Wilma, hindi na niya nakitang naglalaro ang kanyang anak, dahilan para siya lumabas ng opis at hanapin ito.

Mula dito, nagulat na lang ni Wilma nang makita ang anak na nakalutang sa tubig ng isang abandonadong swimming pool na nasa loob ng compound.

Agad na iniahon ni Wilma ang anak sa pool saka isinugod ito sa National Children’s Hospital, pero idineklara rin itong dead on arrival, ganap na alas-5:07 ng hapon.

vuukle comment

AYON

BRGY

ILANG

IMMACULATE CONCEPCION

MARLON DELA VEGA

NATIONAL CHILDREN

STEVEN BONNIE TEJADA

WILMA

WILMA TEJADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with