^

Metro

Isko, Meralco kapitbisig vs ‘jumper’

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos na maging dahilan ng sunog noong Martes, pinangunahan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang pamumutol ng mga ‘jumper’ ng kuryente  sa Parola Compound, sa Tondo, Maynila.

Kasama sina Manila Electric Corporation (Meralco) Supervisor Chito Luna  at si Manila City Electrician Engr. Jojo Algonera,   pinutol ang mga kawad ng kuryente na  ilegal na nakakonekta na madalas na nagiging dahilan nang pag-ooverload at pagsabog na nagdudulot na sunog katulad ng nangyari sa sunog na naganap sa  Gate 1 ng  Parola Compound.

Ayon kay Moreno, kailangan na gawin ang tama at legal ang mga koneksyon ng kuryente upang ang sunog ay maiwasan.

Base aniya sa report ng Bureau of Fire Protection  (BFP) illegal connection at faulty wiring ang sanhi ng sunog na sumiklab noong Martes na ikinasunog ng may 20 kabahayan.

Umapela si Moreno sa  mga residente ng Gate 1 Parola Compound na gawing legal ang pagpapakabit ng kuryente dahil mas malaki ang mawawala sa kanila kung matutupok lamang ng apoy ang kanilang pinaghirapan.

Ipinaliwanag ni Moreno na nagkasundo na sila ng  Meralco na gawing tig- 10 na lamang ng kawad ng kuryente  kada bundle upang maiwasan na magdikit-dikit ang kawad.

Tiniyak pa ng bise alkalde na hindi matatapos ang pagsugpo ng city government laban sa mga illegal connection sa kabila na may isa nang tauhan ng Meralco ang binaril at na­patay dahil sa pagtatanggal ng ‘jumper’.

 

vuukle comment

BUREAU OF FIRE PROTECTION

JOJO ALGONERA

MANILA CITY ELECTRICIAN ENGR

MANILA ELECTRIC CORPORATION

MERALCO

MORENO

PAROLA COMPOUND

SUPERVISOR CHITO LUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with