^

Metro

2 bebot sabay ginilitan sa Caloocan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang dalaga ang nasawi matapos pagtulungang saksakin sa  leeg  ng apat na miyembro ng isang robbery holdup gang sa Caloocan City­, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga biktimang sina Princess dela Cruz, 19; at Maryrose Junio, 18, kap­wa naninirahan sa Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Patuloy namang nagsasa­gawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa apat na suspek na nakilalang sina Bimbo Badiola; Arthur Badiola at dalawa pa na kinilala lamang sa alyas  Bibe at alyas Along. Ang mga ito ay pawang miyembro ng ‘Panoy robbery-holdup group’.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Gomer Mappala, ng Caloocan City Police, naganap ang in­sidente alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Phase 2, Package 1, Block 16, Bagong Silang ng naturang lungsod.

Kasalukuyang naglalakad pauwi ang mga biktima sa naturang lugar nang bigla na lamang itong harangin ng mga suspek na matagal nang may galit sa dalawang dalaga.

Agad na sinaksak ng mga suspek ang mga biktima sa leeg at dibdib at nang ma­tiyak na patay na ang mga ito ay mabilis na nagsitakas.

Ayon sa mga pulis, ang grupo ng mga suspek ay kilala sa naturang lugar dahil sa panghoholdap at iba pang krimen kaya’t matagal na ring nagsasagawa ng manhunt operation laban sa mga ito.

 

vuukle comment

ARTHUR BADIOLA

AYON

BAGONG SILANG

BIMBO BADIOLA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

GOMER MAPPALA

MARYROSE JUNIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with