^

Metro

Bebot, natagpuang patay sa loob ng kotse

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang babae ang natagpuang patay at may tama ng bala sa kanyang ulo sa loob ng isang abandonadong kotse sa Pasig City, kahapon ng umaga.

Ang biktima ay  tinatayang nasa edad na 28-30, maganda ang pangangatawan, kayumanggi, nakasuot ng puting t-shirt at itim na leggings.

Nabatid mula kay PO3 Gigino Dancel ng Pasig Police, dakong alas-9:30 ng umaga nang may tumawag na concerned citizens sa kanila at ibinalita na may natagpuang bangkay ng babae sa loob ng kulay green na Mazda (UAB-839) na nakaparada sa F.Soriano St., Brgy. Palatiw, Pasig City.

Ayon sa report, maaga pa ay nakita na ng mga residente sa lugar na nakaparada sa gilid ng kalsada ang nasabing kotse.

Dahil sa tinted at may plastic cover sa bahagi ng driver seat kung kaya hindi agad nakita kung may tao sa loob ng kotse kaya sinilip nila ito at doon nakita ang hugis tao na hindi na gumagalaw kaya  agad na itinawag sa mga awtoridad.

Pagkadating ng mga ta­uhan ng Scene of the Crime ope­ratives (SOCO) ay sapilitan nilang binuksan ang kotse at doon nila nakita ang biktima sa bahagi ng driver seat ng sasakyan na nakabalot sa printed blanket at may tama ng bala ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa kanyang ulo.

Sinusuri na ng mga awtoridad ang kuha ng CCTV na malapit sa pinag-iwanan ng kotse na posibleng nakuha ang itsuran ng taong responsable sa krimen.

Inaalam na rin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima at motibo ng pagpatay sa kanya. (Mer Layson)

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

GIGINO DANCEL

MER LAYSON

PASIG CITY

PASIG POLICE

SCENE OF THE CRIME

SORIANO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with