^

Metro

Ginang patay sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang ginang habang malubhang nasugatan ang anak nitong babae nang pagbabarilin ng riding in tandem,  kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo sanhi ng kanyang kamatayan ang biktimang si Marilyn San Pedro, 42, habang isang bala naman ang tumama sa mukha ng 19-anyos nitong anak na si Rachelle, kapwa residente ng Phase 9 Package 3 Block 25 Lot 25, Brgy. Bagong Silang,  ng naturang lungsod.

Hindi na umabot ng buhay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital si Marilyn habang nakaratay sa Far Eastern University Hospital si Rachelle.

Sa inisyal na ulat, nasa tapat ng kanilang bahay ang mag-inang San Pedro dakong alas-5:30 ng hapon nang huminto sa tapat nila ang isang motorsiklong walang plaka lulan ang dalawang lalaki at pinagbabaril ang mga biktima. Mabilis na tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Sinabi ni Caloocan City Police chief, Senior  Supt. Bartolome Bustamante na kasalukuyang blangko sa motibo ang mga imbestigador ngunit may inimbitahan na umano sila na posibleng makapagbigay ng impormasyon na maaaring maging lead sa krimen. Ilan sa unang lumulutang na posibleng anggulo ay sigalot sa agawan sa lupa o pagkakautang umano ng biktima.

vuukle comment

BAGONG SILANG

BARTOLOME BUSTAMANTE

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

FAR EASTERN UNIVERSITY HOSPITAL

MARILYN SAN PEDRO

RACHELLE

SAN PEDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with