^

Metro

Ginang lasog sa aksidente

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Lasog ang isang ginang makaraang tumilapon sa inaangkasang motorsiklo at masagasaan pa ng isang L-300 type van, kamakalawa ng umaga sa Quirino Highway, Caloocan City.

Isinugod pa sa East Avenue Medical Center sa Quezon City ngunit hindi na rin naisalba ng mga manggagamot ang buhay ng biktimang si Myrna Bautista, 44, ng Commonwealth Ave., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Nasa kustodiya naman ng Caloocan Police-Traffic North ang mga sangkot na sina Jacinto Briones, driver ng Honda motorcycle, Normando Sayman, live-in partner ng biktima, tsuper ng isa pang Honda motorcycle, at Elmer Ngojoy, tsuper naman ng Mitsubishi L-300 van (TNW-675).

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas- 6:50 ng umaga sa Quirino Highway sa tapat ng Amparo Subdivision Gate 2 sa Brgy. 179, Caloocan City. Ayon kay Briones, nakahinto siya sa gitna ng kalsada habang naghihintay ng tiyempo para makaliko papasok ng Amparo Subdivision.

Bigla umanong lumagpas sa kanya ang motorsiklo sina­sakyan ng biktima ngunit sumabit sa kanyang balikat ang katawan ng tsuper na si Sayman. Nawalan ng kontrol si Sayman sa motor hanggang sa sumemplang habang tumilapon naman ang angkas na si Bautista.

Minalas na masagasaan pa ito ng van na minamaneho ni Ngojoy sa kabilang lane na hindi na nagawang makapagpreno. Agad namang isinugod sa naturang pagamutan si Bautista na nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas dakong alas-12:02 ng tanghali.

Patuloy na pinag-aaralan ng pulisya ang insidente upang mabatid kung sino ang masasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

AMPARO SUBDIVISION

AMPARO SUBDIVISION GATE

BAUTISTA

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN POLICE-TRAFFIC NORTH

COMMONWEALTH AVE

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with