^

Metro

Mobile City hall ipatutupad sa Caloocan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang mapagsilbihan umano ang mga taga-Caloocan kahit na araw ng Sabado at Linggo, ginawang posible ng pamahalaang lungsod ng Caloocan ang paglulunsad ng “Mobile City Hall” na iikot umano sa iba’t ibang barangay.

Sinabi ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan na unang isinagawa ang “mobile city hall” nitong nakaraang Sabado at Linggo sa Barangays 152, 187, 188, 144 at 132.

Kabilang sa mga serbisyong inilalapit ng “mobile city hall” ang pagpaparehistro ng iba’t ibang mga dokumento, pagbibigay ng tulong legal, sports clinic, tulong pinansyal, tulong sa pagpapalibing, pagpapare­histro sa mga senior citizens, tax assessment at pagtanggap ng bayad, at may kasama pang medical mission, masahe, libreng gupit, manicure, facial, libreng pagkumpuni ng ap­pliances at cellular phones, job fair, dental check-up, libreng gamot, anti-rabies sa mga alagang hayop, pagtanggap ng mga imbitasyon at proposal ng mga proyekto at iba pa.

Nasa 2,500 residente ng lungsod ang naserbisyuhan sa bawat barangay na kanilang binisita kaya itutuluy-tuloy umano nila ang pagsasagawa ng caravan bilang regular na trabaho ng lokal na pamahalaan.

“Ang buong city hall kabilang ang 40 departamento kasama ang mga medical personnel ang nagsasama-sama sa mga itinatayong tents sa mga open spaces o covered courts sa mga barangay para personal na ihatid ang serbisyo lalo na sa mga may kalayuang barangay,” ani Malapitan.

vuukle comment

BARANGAYS

CALOOCAN

CALOOCAN CITY MAYOR OSCAR MALAPITAN

KABILANG

LINGGO

MALAPITAN

MOBILE CITY HALL

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with