^

Metro

Salpukan ng 2 bus: 6 sugatan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sugatan ang anim na pasahero nang magsalpukan ang dalawang bus kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital ang mga biktimang sina Annabelle Marcelo, 29; kapatid nitong si Danica, 13; ang mag­kapatid na Salvador, 23; at Christine Vargas, 21; Ruby Sanyosa, 34; at Dino Duble, 34.

Kapwa namang nasa custody ng pulisya ang mga bus driver na sina Warlito Lopez, 43,  ng Golden Dragon Transit at Marcial Caronan, 46,  ng Nissan Bus Transit.

Lumalabas sa pagsisiya­sat ni SPO1 Sulpicio Mon­terde, ng Makati City Traffic Bureau, naganap ang insi­dente alas-12:50 ng madaling-araw sa panulukan ng EDSA at Gil Puyat Avenue, south-bound lane, Brgy. Bel-Air ng naturang lungsod habang binabagtas  ng Golden Dragon Transit (UVV-878)  na minamaneho ni Lopez at ng Nissan Bus Transit (TYF-398) na minamaneho naman ni Caronan ang naturang lugar nang mawalan umano ng preno ang Golden Dragon kung kaya’t bu­mangga ito sa sinusundan nitong Nissan­ Bus.

Dahil sa banggaan, nag­tamo ang mga biktima ng mga sugat at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang isinugod ng mga tauhan ng rescue team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga biktima sa nasabing ospital.

Habang sumuko naman sa mga pulis ang da­lawang driver ng mga nasabing bus na isinasailalim sa ma­susing imbestigasyon.

vuukle comment

ANNABELLE MARCELO

CHRISTINE VARGAS

DINO DUBLE

DRAGON TRANSIT

GIL PUYAT AVENUE

MAKATI CITY

NISSAN BUS TRANSIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with