^

Metro

Sumalubong sa Fire Prevention Month 7-storey commercial building sa QC, nasunog

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit 13 oras na nasusunog ang pitong palapag na commercial building sa Brgy. Tatalon sa may Araneta Avenue, Quezon City kahapon.

Ayon kay QC Fire Marshall F/Senior Supt. Jesus Fer­nandez, dakong alas-12:30 ng madaling-araw kahapon nang bigla na lamang sumiklab ang apoy sa 2nd floor ng Gateway 2000 building na may mga nakaimbak na thinne­r at mga pintura.

Iniulat ng arson probers ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot ng ala-1:30 ng hapon kahapon ay nasa ika-pitong palapag na ang sunog na patuloy pang lumalakas at nasa Task Force Bravo pa rin ang alarma.

Ayon kay Fernandez, nahihirapan silang apulahin ang sunog dahil nakaimbak sa ikalawang palapag ng gusali ay mga flammable na mga kemikal na gamit sa paggawa  ng manikin at mga damit kaya mahirap apulahin ang pag­kalat ng apoy.

Kabilang din sa mga naka­tambak ang mga auto supply sa ikatlong palapag, medical supplies sa ika-apat, at raw ma­terials sa paggawa ng tsi­­ne­las tulad ng goma at plastic sa ika-lima at anim na palapag.

Ginagamit namang penthouse ang ika-pitong palapag ng gusaling pag-aari ng isang Jobert Go.

Anila, kinailangan pang mag­halo ng kemikal na aqueous­ film forming foams (AFFF) sa tubig para mapababa ang temperatura ng gusali at patuloy na subukang ma­patay ang apoy.

Nakapasok naman ang mga bumbero na may gamit na breathing apparatus sa naturang gusaling nababalot ng makapal na usok.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nakataas pa rin ang alarma ng sunog sa naturang gusali. Wala pang ulat kung magkano ang halaga ng natupok habang patuloy pa ang pag-apula ng mga bumbero sa bawat palapag ng gusali.

Aniya, mistulang hudyat ito ng unang araw ng fire prevention month sa pagpasok ng Marso kaya’t nakakasa na ang mga programa ng BFP sa QC partikular ang awareness program.

vuukle comment

ARANETA AVENUE

AYON

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE MARSHALL F

JESUS FER

JOBERT GO

PALAPAG

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with