^

Metro

Mister tinangkang sunugin ang misis, utas sa hit-and-run

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay sa hit-and-run ang isang 42-anyos na lalaki nang magtatakbo ito ma­tapos silaban ang kanilang tinutuluyan habang nasa loob ang misis nito matapos ang matinding pagtatalo tungkol sa pagseselos ng una sa Sampaloc, kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO2 Jay-R No­dado, ng España-Blumentritt Police Community Precinct, nakilala ang na­sawi na si Michael Aguilar, ng San Diego­ St., Sampaloc, Maynila.

Idineklara itong dead-on-arrival sa UST Hospital sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Nakaratay naman sa Ospital ng Sampaloc ang misis nitong si Mary Jane Aguilar, 37, bunga ng suffocation.

Pinipigil naman sa Manila Traffic Bureau (MTB) ang tatlong truck driver na pinaniniwalaang sangkot sa pagkakasagasa sa biktimang si Michael.

Nabatid na dakong alas-2:35 ng madaling-araw nang mag-away ang mag-asawa. Kasunod nito ay sinunog ni Michael ang kanilang kuwarto na nandoon sa loob ang misis dahil sa tindi ng pagseselos.

Nauna nang pinalabas ni Michael ang kanilang mga anak at maya-maya ay binuhusan na ng gasolina ang kanilang kuwarto at sinilaban.

Nang makita ng isang kapitbahay ay sinabihan ang anak na binatilyo kaya agad bumalik sa kanilang bahay at isinalba ang ina at dinala sa ligtas na lugar.

Hindi nagtagal ay muling nagkagulo sa lugar nang may makapagsabi na na-hit-and- run umano ang kanilang ama.

Sa naging pahayag sa imbestigador ng anak na bi­na­tilyo, madalas umano na magselos ang ama at pinagbibintangan ang misis na may ibang lalaki.  Minsan na rin umanong magtangkang magpaka­matay ng kanilang ama.

Mabilis ding naidekla­rang fire-out at hindi naman lumaki pa ang apoy dahil kalahati lamang ng bahay ang naapektuhan ng apoy.

vuukle comment

BLUMENTRITT POLICE COMMUNITY PRECINCT

JAY-R NO

KANILANG

MANILA TRAFFIC BUREAU

MARY JANE AGUILAR

MICHAEL AGUILAR

SAN DIEGO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with