^

Metro

Rollback sa presyo ng petrolyo, inaasahan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang sunud-sunod na oil price hike, magandang balita sa publiko lalo na sa hanay ng transportasyon, dahil may nakaambang bawas presyo sa diesel at gasolina sa susunod na linggo.

Nabatid na sa unang tatlong araw na trading sa inter­national market, nasa P0.70 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel habang sa gasolina ay nasa P0.40 kada litro.

Gayunman, nagbabadya namang  tumaas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG), na nasa P0.40 hanggang P0.50 kada kilo o katumbas ng P4.40 hanggang P5 sa bawat 11 kilo kada tangke ng LPG.

Nabatid sa ilang oil companies,  sakaling   matuloy ang rollback  sa mga produktong petrolyo ay bunsod ito ng paggalaw ng halaga sa pandaigdigang pamilihan.

vuukle comment

DIESEL

GAYUNMAN

KADA

LIQUEFIED PETROLEUM GAS

MATAPOS

NABATID

NASA

PRESYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with