^

Metro

Mister iniwan ni misis, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 29-anyos na obrero ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili matapos na umano’y hindi matanggap na iwan ng kanyang asawa sa lungsod Quezon, iniulat kahapon. Ayon kay PO2 Jogene Hernandez,  nakilala ang nasawi na si Marlon Bautista, residente sa Brgy. UP Diliman ng nasabing lungsod. Sabi ni Hernandez, ang biktima ay nadiskubre ng walong taong gulang nitong anak na babae habang nakabitin gamit ang nylon cord sa kisame ng kanilang bahay, ganap na alas- 11 ng umaga. Isinugod pa ang biktima  sa Labor hospital, pero hindi na rin umabot pa ng buhay. Dagdag ni Hernandez, kaya umano umalis ng kanilang bahay ang misis ng nasawi ay dahil sa pananakit ng huli lalu na kapag sila ay nag-aaway. Posibleng ito umano ang dahilan kaya nagpasya ang mister na magpakamatay sa akalang hindi na babalikan ng asawa. Patuloy naman ang pagsisiyasat ng awtoridad sa na­sabing insidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

DAGDAG

DILIMAN

HERNANDEZ

ISANG

ISINUGOD

JOGENE HERNANDEZ

MARLON BAUTISTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with