^

Metro

2 gunrunners, tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang hinihinalang miyembro ng isang sindikato na iligal na nagpapakalat ng baril sa mga elementong kriminal sa Metro Manila makaraang masakote sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng Caloocan City Police, nitong nakaraang Martes sa naturang lungsod. Kinilala ni Caloocan City Police chief, Senior. Supt. Bartolome Bustamante ang mga nadakip na sina Sino Omar, 27, tubong Marawi City; at si Ruel Guela, 35, kapwa naninirahan sa Phase 4 Package 4 Lot 26, Bagong Silang, ng naturang lungsod.Sa ulat ng pulisya,  nakatanggap ng impormasyon ang pulisya buhat sa kanilang confidential impormant ukol sa iligal na aktibidad ng dalawang suspek sa Bagong Silang. Nagsagawa naman ng surveillance operation­ ang pulisya na tumagal ng tatlong araw hanggang sa magawang makipagtransaksyon ang kanilang asset sa pagbili ng mga handgun. Isinagawa ang operasyon dakong ala-1 ng hapon nitong Pebrero 24 sa loob ng kanilang kuta sa Phase 4 Package 4 Bagong Silang. Hindi na nakapalag ang dalawang suspek nang mapalibutan ng mga pulis ang kanilang tinutuluyang bahay­. Nakumpiska sa mga suspek ang isang silver caliber .38 pistol na may apat na bala, isang itim na kalibre .38 rebolber, mga bala at mga marked money na tinanggap ng mga suspek. Ayon kay Bustamante, posibleng miyembro ng isang mas malaking grupo ang dalawang suspek na isinasailalim na sa imbestigasyon. Nahaharap na ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 32 ng RA 10591 o Unlawful Sale or Disposition of Firearms.

vuukle comment

BAGONG SILANG

BARTOLOME BUSTAMANTE

CALOOCAN CITY POLICE

DISPOSITION OF FIREARMS

MARAWI CITY

METRO MANILA

RUEL GUELA

SINO OMAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with