^

Metro

Pinaiksing operation ng MRT-3, simula na bukas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magsisimula na bukas, araw ng Sabado ang pinaiksing operation o shortened operation ng Metro Rail Transit (MRT-3) upang bigyang daan ang pagpapalit ng riles nito.

Ayon kay MRT General Manager Roman Buenafe, walang biyahe ang MRT-3 mula alas-9:00 Sabado ng gabi (Pebrero 28) hanggang alas-12:00 Linggo ng tanghali (Marso 1).

Aniya, ikakabit ng maintenance contractor na Global APT ang winelding na riles sa bandang Taft at Magallanes station, gamit ang riles na kinuha nila mula sa depot.

Una nang inamin ni Buenafe na pinakamala­king problema ng MRT-3 ang riles na nagdudulot ng biglaang pagpreno at paghinto ng tren.

Umalma naman ang private owner na MRT Holdings dahil hindi umano ipinagpaalam ang pagkuha ng riles sa depot.

Gayunman, tiniyak ni Buenafe sa MRTH na papalitan naman nila ito sa sandaling dumating na ang mga inorder nilang kaga­mitan mula sa ibang bansa.

vuukle comment

ANIYA

AYON

BUENAFE

GAYUNMAN

GENERAL MANAGER ROMAN BUENAFE

LINGGO

MAGALLANES

METRO RAIL TRANSIT

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with