Bangkay ng babaeng tumalon sa ilog, narekober na
MANILA, Philippines - Narekober na kahapon ang bangkay ng isang babae na nakasuot lamang ng panty at bra na tumalon sa maburak at maruming ilog sa San Juan City kamakalawa ng tanghali.
Ang bangkay ni Olivia Hipolito, 27, ng 4- F. Manalo St. Brgy. Batis, San Juan ay narekober ng pinagsanib na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), rescue team ng San Juan at pulisya dakong ala-2:00 ng hapon matapos umakyat sa pader at dumaan sa bubong ng barangay hall ng Barangay Progreso at tumalon sa maruming ilog.
Wala pang matukoy na dahilan ang mga awtoridad kung bakit tumalon ang biktima.
- Latest