^

Metro

2 drug dealer, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang pinaniniwalaang drug dealer ang nadakip sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Muntinlupa City kamakalawa.

Nakakulong sa Muntinlupa City Police detention cell ang mga suspek na sina Ramil Unisa “Gubat” Islan, ng Brgy. Putatan  at Michelle Bunda “Bambam” Ramos, ng Brgy. Poblacion, kapwa ng nasabing lungsod.

Nabatid na nakatanggap ng reklamo mula  sa ilang concerned citizen ang tanggapan ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi hinggil sa illegal na operasyon ng mga suspek.

Dahil dito, agad na inatasan nito si Senior Supt. Allan Nob­leza, hepe ng Pasay City Police na maglunsad ng operasyon laban sa mga suspek. Kamakalawa ay naglatag ng magkakahiwalay na  buy-bust operation ang mga pulis laban sa mga suspek, na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito.

Nakumpiska  mula sa mga suspek  ang ilang plastic sachet na  pinaniniwalaang shabu.

vuukle comment

ALLAN NOB

BRGY

MICHELLE BUNDA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MAYOR JAIME FRESNEDI

MUNTINLUPA CITY POLICE

PASAY CITY POLICE

RAMIL UNISA

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with