^

Metro

School nag-panic sa bomb threat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakatanggap ng bomb threat ang isang pampublikong paaralan sa Pasig City kahapon ng umaga. Bunsod nito ay nabulabog ang mga estudyante at guro kaya mabilis na naglabasan ng kani-kanilang silid-aralan. Ayon kay P/Senior Supt. Jose Hidalgo Jr, hepe ng Pasig City PNP, bandang alas-10 ng umaga nang humingi ng responde ang school principal ng Sagad High School na si Florencia Membrebe matapos matanggap na text message ang assistant principal na si Junie Serot na may sasabog na bomba sa nasabing school. Agad na ipinag-utos ni Membrebe ang pagpapalabas sa mga estudyante at guro para matiyak ang kaligtasan ng mga ito. Pagdating naman ng mga awtoridad ay agad na sinuyod ang buong paaralan at paligid nito kaugnay sa nasabing bomba, subalit pagkaraan ng dalawang oras ay walang nakitang bomba.

vuukle comment

AYON

BUNSOD

FLORENCIA MEMBREBE

JOSE HIDALGO JR

JUNIE SEROT

MEMBREBE

NAKATANGGAP

PASIG CITY

SAGAD HIGH SCHOOL

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with