^

Metro

Cook ng presinto pinatay ng pulis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napaslang ang 34-anyos na cook sa presinto ng pulisya matapos itong pagbabarilin ng kanyang bayaw na pulis-Maynila sa bisinidad ng Geronimo Street, Sampaloc, Maynila, kahapon ng umaga.

Dalawang bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Daniella Dela Cerna, cook sa PCP na sakop ng MPD-Station 4 sa Sampaloc.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril si Randy Didiy.

Pormal namang kakasuhan ng MPD-Homicide Section ang suspek na si PO1 Ronald Balcos, 41, may asawa, ng #835 Geronimo Street sa Sampaloc at nakatalaga sa MPD-Asuncion PCP sa MPD-station 2.

Ayon kay SPO2 Jona­than Bautista ng MPD-Homi­cide Section, naganap ang pamamaril habang nasa kumpulan ng sugal na cara y cruz ang biktima.

Nakauniporme pa si PO1 Balcos mula sa hearing sa korte nang mamataan nito ang biktima sa sugalan.

Dito na pinutukan ang biktima subalit nadaplisan lamang ng bala sa mukha kaya nagawa pang tumakbo ng biktima at makapagtago sa isang bahay.

Sinundan naman ng suspek at muling pinaputukan sa pisngi kaya tuluyang napatay ang biktima.

Sumuko naman si PO1 Balcos kay P/Senior Insp. Elias Dematera, block commander  ng PCP Asuncion bago dinala sa MPD-Homicide Section.

Sa impormasyong nakalap ng pulisya, matagal nang galit ang kanilang ti­yuhin sa kanilang nanay dahil pinaghihinalaan ito na siyang nagturo at nagpakulong sa kanilang ama na kapatid ng suspek. Nakapiit umano ang kapatid ng suspek sa Manila City Jail sa kasong robbery.

vuukle comment

ASUNCION

BALCOS

DANIELLA DELA CERNA

ELIAS DEMATERA

GERONIMO STREET

HOMICIDE SECTION

MANILA CITY JAIL

MAYNILA

RANDY DIDIY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with