Totoy na takas sa DSWD, utas sa pamamaril
MANILA, Philippines – Agad na binawian ng buhay ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang dalawang beses na barilin sa katawan ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng hapon sa Navotas City.
Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Yiro Bonita, ng Phase 2 Area 2, Tumana, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.
Sa ulat ng Navotas City Police, naglalakad sa naturang lugar ang biktima nang tambangan ng salarin at walang sabi-sabing paputukan.
Bigo ang pulisya na makilala at maaresto ang suspect dahil sa kawalan ng saksi upang tumestigo. Blangko rin ang mga awtoridad sa motibo ng krimen.
Nabatid naman na isang CICL (Children In Conflict of Law) ang nasawi at tumakas sa holding center ng Department of Social Welfare and Development ( DSWD).
- Latest