^

Metro

Pulis, Swedish lover hindi nagbayad sa hotel, inireklamo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Makaraang mabigong magbayad sa hotel, isang  pulis-Maynila at umano’y lover nito ang inireklamo, kamakalawa ng gabi  sa  MPD-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS).

Kinilala ni MPD-GAIS chief, Chief Insp. Arsenio Riparip ang mga inireklamo na sina  PO3 Giles Macoy Imperial, 44, nakatalaga sa MPD-Explosive Ordnance Division (EOD) at   ang lover nitong Swedish na si Theresa Watchanee De Jager, 44. Nagpakilala din umano si  Jager na isang diplomat.

Lumilitaw na  nag-check-in ang dalawa noong Enero 21 na tumagal hanggang  Enero 26 sa isang ma­laking hotel sa Maynila na ang bill ay umabot sa halagang P99,342.60. Nagkaroon umano nang pakikipagtalo ang pulis at staff.

Makalipas ang  ilang oras at sa pagtantiya na walang ibabayad ang dalawa ay napilitan ang mga opisyal sa hotel na ireklamo ang mga ito.

Isinailalim na sa inquest proceedings ang dalawa  at sinampahan ng kasong estafa.

vuukle comment

ARSENIO RIPARIP

CHIEF INSP

ENERO

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

GENERAL ASSIGNMENT INVESTIGATION SECTION

GILES MACOY IMPERIAL

MAYNILA

THERESA WATCHANEE DE JAGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with