^

Metro

Ex-convict tinaniman ng bala sa ulo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang bagong laya mula sa Manila City Jail ang nadiskubreng patay sa loob ng nakapa­radang tricycle kahapon sa Tondo, Manila.

Kinilala ni  SPO4 Marlon San Pedro ng Manila Police District-Homicide Sections ang  biktima na si PJ Maizano, 27, miyembro ng Commando gang.

Batay sa ulat dakong alas-4:30 ng madaling-araw, nang madiskub­reng patay ang biktima sa loob ng tricycle sa bakanteng lote ng riles ng tren sa PNR Compound sa panulukan ng Maria Guizon at Batangas Sts., Tondo, Maynila­.

Bandang 2:30 ng ma­daling-araw, nang ma­karinig ng malakas na putok ng baril ang ilang residente sa lugar kung saan natagpuan ang biktima.

Unang inakala na may nagpaputok lamang ng baril, subalit ng mag-umaga ay nakita ang bangkay ng biktima na may tama ng bala sa ulo.

Dinala sa St.Rich Funeral Morgue ang bangkay para sa kaukulang awtopsiya.

vuukle comment

BANDANG

BATANGAS STS

BATAY

DINALA

MANILA CITY JAIL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTIONS

MARIA GUIZON

MARLON SAN PEDRO

RICH FUNERAL MORGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with