^

Metro

4 huli sa pagnanakaw

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumagsak sa kulungan ang apat na kilabot na magnanakaw makaraang maaktuhan ng mga nagpapatrulyang tauhan ng Valenzuela City Police sa aktong tinutungkab ang metal sliding door ng isang tindahan ng damit, kamakalawa ng madaling araw sa naturang lungsod.

Kinilala ni Valenzuela Police chief, Sr. Supt. Rhoderick Armamento ang mga nadakip na sina Rommel Sebastian, 43, vendor, ng Tondo, Maynila; Jerico Sendencia, 35; Richard Villaber, 20; at Lindon De Jesus, 22, pawang taga Novaliches, Quezon City.

Sa ulat ng pulisya, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Community Precinct 1 sa may Gen. Luis St., Brgy. Paso de Blas dakong alas-2 ng madaling-araw nang maaktuhan ang apat na suspek na abalang tinutungkab ang bakal na sliding door ng 99 Collection store.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang palibutan ng mga armadong pulis na sina PO3 Allan Vizconde, PO3 Jason Fabros, PO1 Gagabu-an at PO1 Kennedy Arellano sanhi ng kanilang pagkakadakip.

Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang baril na may anim na bala, tatlong screw drivers, crow bar, isang picklock, apat na cellular phones, visegrip, apat na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, at iba pang gamit.

Nahaharap ngayon ang mga suspek sa mga kasong attempted robbery, paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law at illegal possession of firearms and ammunitions.

vuukle comment

ALLAN VIZCONDE

DRUGS LAW

JASON FABROS

JERICO SENDENCIA

KENNEDY ARELLANO

LINDON DE JESUS

LUIS ST.

POLICE COMMUNITY PRECINCT

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with