^

Metro

Suporta sa 72 dialysis patient, tiniyak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng  pamunuan ng Manila Dialysis Center na tuluy-tuloy ang kanilang suporta sa 72 dialysis patients.

Ang paniniyak ay ginawa ni Dr. Luisa Aquino­, Director ng MDC at Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center kasabay ng  pahayag na ang lahat ng  tulong  ay ibibigay sa mga pasyente at may orange card.

Ayon kay Aquino, layon ni Manila Mayor Joseph Estrada na maibsan ang gastos at hirap hindi lamang ng mga pasyente kundi maging  ng mga pamilya nito na nahaharap sa mahal na pagpapa-dialysis.

Bagama’t malaking halaga ang ginugugol sa mga pasyente,  sinabi ni Aquino sisikapin ng city government na matustusan  ang panga­ngailangan ng  MDC.

Aniya, maituturing na legacy ito ni Estrada gayundin ng may bahay nitong si dating Senador  Loi Estrada.

Matatandaang sinabi ng alkalde na ito na ang sagot sa mga dialysis patients upang mabigyan ng dagdag na taon ang kanilang mga buhay. Paliwanag ni Aquino ang dialysis ay lifetime kaya’t kailangan din ang  tuluy-tuloy na suporta ng  city government.

Nabatid na ilan sa mga pasyente ay dalawang beses kada linggo nagpapa-dialysis.

Nakapagbibigay din ng tulong ang PhilHealth at Philippine Charity Sweepstakes Office sa mga  dialysis patients. (Doris Franche-Borja)

 

vuukle comment

AQUINO

DIALYSIS

DORIS FRANCHE-BORJA

DR. LUISA AQUINO

GAT ANDRES BONIFACIO MEMORIAL MEDICAL CENTER

LOI ESTRADA

MANILA DIALYSIS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with