^

Metro

Kelot dedo sa boga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang binawian ng buhay matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa kilalang suspek kamakalawa sa Makati City.

Dead on the spot ang biktimang si Jhun Camato, 30, taga #23-E A. Jacinto St., Bgy. West Rembo ng naturang lungsod matapos na magtamo ng ilang tama ng bala  buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa insidente at inaalam pa rin ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Ayon sa inisyal na pagsisiyasat ni SP02 Rico Caramat, Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), Makati City Police, naganap ang insidente ala-1:05 ng hapon sa Eskwela St., Bgy.West Rembo ng naturang lungsod.

Nakatambay ang biktima sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang dalawang suspek na naglalakad lang at pinagbabaril ng una na naging dahilan ng agaran nitong­  kamatayan.

Away sa sugal ang isa sa mga tinitingnang motibo sa pamamaslang. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BGY

E A

ESKWELA ST.

JACINTO ST.

JHUN CAMATO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

RICO CARAMAT

WEST REMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with