^

Metro

Kung ano ang tatakbuhin sa 2016 Isko wala pang desisyon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ni  Manila Vice Mayor Isko Moreno na  hindi pa niya napag-iisipan at napagdesisyunan kung ano ang kanyang  tatakbuhin sa 2016.

Ang  reaksiyon ni Moreno ay  tugon sa pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada na  kinokonsidera nito  ang  re-election sakaling tumakbo sa mas mataas na posisyon  ang bise alkalde.

Ayon kay Moreno, masyado pa umanong maaga  para pag-usapan  ang  elections dahil mas nais niyang pagtuunan ng pansin ang  mga proyekto na para sa mga Manilenyo.

“Mas maraming importanteng  suliranin ang siyudad na nangangailangan ng pansin na mas mahalaga pa sa mga personal na ambisyon namin”, ani Moreno.

Giit ni  Moreno, hindi lingid sa publiko na ambisyon niyang maging alkalde ng  Maynila subalit ito ay bahagi pa lamang ng kanyang mga pangarap.

Nakasalalay pa rin  sa taumbayan  kung  anong landas ang kanyang tatahakin sa mga susunod na  panahon.

Desisyon pa rin aniya ng  publiko ang  mangingibabaw na dapat na galangin  at kilalanin.

Samantala, sinabi  rin ni  Moreno na pinakinggan ng SC ang mandato ng Manilenyo nang ibasura ang disqualification case laban kay Estrada. Bindikasyon ito para kay Estrada na inihalal sa isang malinis at parehas na  halalan.

Mas pagtutuunan nila ngayon ng pansin ang mga pa­ngangailangan pa ng  mga Manilenyo at masolusyunan ang  suliranin ng mga taga-lungsod. (Doris Franche-Borja)

 

vuukle comment

AYON

BINDIKASYON

DORIS FRANCHE-BORJA

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MANILENYO

MORENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with