^

Metro

Manager todas sa tandem

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang ope­ration manager ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang  motorsiklo  habang ang una ay pazz sakay ng kanyang sports utility vehicle­ (SUV) kamakalawa ng gabi sa Makati  City.

Dead-on-arrival sa St. Luke’s Medical Center ang biktimang si Robert Wong, nakatira sa #1888 Del Carmen St., Brgy. Guadalupe Nuevo ng naturang lungsod, nagtamo ito ng apat na tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang pagkaka­kilalan ng suspek at nagsasagawa pa ng follow-up.

Lumalabas sa pagsisiyasat ni SPO3 Noel Par­dinas, ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB)-Makati City Police na naganap ang insidente alas-6:50 ng gabi malapit sa bahay ng biktima sa nasabing lugar.       

Papasakay si Wong sa kanyang Mitsubishi Montero  na may conduction plate number na ND3900 nang biglang pagbabarilin, dahilan upang duguan itong bumulagta.

Matapos ang pama­maril ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng isang motor­siklo na walang plaka.

Inaalam pa ng pulisya  ang motibo ng pamamas­lang. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

DEL CARMEN ST.

GUADALUPE NUEVO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY POLICE

MEDICAL CENTER

MITSUBISHI MONTERO

NOEL PAR

ROBERT WONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with