^

Metro

Vendors sa mga footbridge, inireklamo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mariing inireklamo kahapon ng mga mananakay sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang magkabilang hilera ng mga ambulant vendor  sa isa sa mga pinagawang footbridge ng ahensiya sa Parañaque City.

Nabatid na hindi  na halos makadaan ang mga commuter ng  Southwest Integrated Provincial Transport Terminal sa Coastal Mall sa Parañaque City dahil ang kaliwa’t kanang bahagi ng footbridge maging sa may hagdanan ay sinakop na ng mga nakalatag na paninda mula sa mga illegal sidewalk vendor. Hinaing ng mga mananakay kung  bakit hinayaan ng MMDA na magkaroon ng mga vendor sa naturang footbridge gayong ginawa ang naturang tulay para daanan ng mga tao.

Naniniwala naman ang ilan na hindi ito pinayagan ng MMDA kundi posibleng pinahintulutan ito ng barangay.

Pakiusap ng publiko sa MMDA, na magpatupad ng kaayusan at kalinisan sa naturang  lugar at kung maari aniya ay pabantayan o maglagay ng kanilang tauhan na magbabantay dito upang maiwasan din ang posibleng insidente ng snatching o hold-up.

vuukle comment

COASTAL MALL

HINAING

MARIING

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

NANINIWALA

PAKIUSAP

SOUTHWEST INTEGRATED PROVINCIAL TRANSPORT TERMINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with