^

Metro

Leeg ng kelot, pigtas sa taga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mistulang kinatay na baboy ang isang 43-anyos na lalaking natagpuang walang buhay, naliligo sa sa­riling dugo at halos mapigtas ang leeg bukod pa sa  tadtad ng taga ang katawan sa  Sampaloc market sa Maynila sa mismong araw ng Pasko (Disyembre 25).

Kinilala ni SPO1 Rommel del Rosario, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Daniel Dwyer Valeros, ng Lardizabal St., Sampaloc, Maynila.

Isang kinilala lamang sa alyas na Bitoy, ang sinasabing responsable sa pananaga sa biktima.

Sa ulat, dakong alas-5:10 ng hapon nang madiskubre  ang duguan at nakalugmok na biktima sa Sampaloc market sa may Guidote St., panulukan ng Bustillos St., sa Sampaloc.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), hindi pa nagtatagal na isinagawa ang krimen dahil inabutan pa nilang umaagwas ang dugo mula sa mga sugat ng biktima.

Bago umano matagpuang patay ang biktima, huli itong nakitang nakikipag-inuman sa grupo ng kalalakihan sa lugar.

Maaaring may nakaalitan ang biktima sa gitna ng inuman at posibleng kargador o helper sa palengke ang suspek kaya nakakuha ito ng patalim na ginamit sa pananaga.

vuukle comment

BITOY

BUSTILLOS ST.

DANIEL DWYER VALEROS

DISYEMBRE

GUIDOTE ST.

LARDIZABAL ST.

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with