^

Metro

Dayo, tinigok noong Pasko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumalaw lamang sa mga kapatid sa ina upang humingi ng sorry at bumati ng Merry Christmas ang napatay na 36-anyos na lalaki na binaril sa ulo habang naglalaro ng video karera  ng  hindi pa tukoy na salarin sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Bumagsak at nawalan ng buhay sa mismong harapan ng video karera machine ang biktimang si Elmer Bulusan, residente ng Kahanding St. Tondo, Maynila habang mabilis namang tumakas ang gunman matapos ang ginawang krimen.

Sa ulat ni SPO1 Rommel del Rosario ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:30 ng hapon  araw ng Pasko nang maganap ang pamamaril  sa loob ng isang maliit na silid na pinapupuwestuhan ng video karera  machine sa Capulong St., sa Tondo.

Ilang istambay din umano ang naroroon nang magulat sa biglang pagdating ng suspek at walang sabi-sabing binaril sa ulo ang biktima. Nang bumagsak ang biktima ay mabilis ding  tumakas ang suspek dala ang ginamit na di pa tukoy na kalibre ng baril.

Nabatid na ang biktima ay hindi naman nakatira sa lugar kundi dumalaw lamang sa mga nakababatang kapatid sa ina upang humingi ng sorry kaugnay sa kanilang naging alitan at upang bisitahin ang ina na may iba ng pamilya sa araw ng Pasko.

Napadaan lamang umano ang biktima sa lugar at na­isipang maglaro ng VK na dito siya binaril at napatay.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa in­sidente.

vuukle comment

BUMAGSAK

CAPULONG ST.

DUMALAW

ELMER BULUSAN

KAHANDING ST. TONDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MERRY CHRISTMAS

PASKO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with