^

Metro

Bebot nagutay, ilang ulit nasagasaan

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang babae ma­tapos masagasaan at magulungan ito ng iba’t ibang uri ng sasakyan sa isang flyover sa Pasay City, kahapon ng madaling-araw.

Nahihirapan ang pulisya na kilalanin ang bangkay ng biktima dahil nga nagkahiwalay-hiwalay ang ka­tawan nito kung saan pinaniniwalaang isa sa nakasagasa rito ay 10-wheeler truck dahil sa ebidensiyang nakita sa bangkay nito.

Sa inisyal na pagsisi­yasat ni PO3 Edmar Echate, ng Traffic Accident Investigation Unit (TAIU) ng Pasay City Police, alas-4:00 kahapon ng madaling-araw nang matagpuan ang la­sug-lasog na katawan ng biktima sa south-bound lane  ng flyover ng  Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Walang makapagsabi kung anong sasakyan ang unang dumale rito.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang naturang insidente at ang bangkay ng biktima ay nakalagak ngayon sa Rizal Funeral Homes.

vuukle comment

EDMAR ECHATE

NAGKALASUG

NAHIHIRAPAN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RIZAL FUNERAL HOMES

ROXAS BOULEVARD

TRAFFIC ACCIDENT INVESTIGATION UNIT

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with