^

Metro

Sangkaterbang basura, iniwan sa QC Circle, Luneta

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sakit ng ulo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng pamahalaang lokal ang iniwang tambak na basura sa ilang lugar ng Kalakhang Maynila.

Sa monitoring ng MMDA, tambak na basura ang iniwan­ sa ilang parke ng mga na­mamasyal nitong nakaraang Pasko.

Katulad sa lugar ng Quezon City Memorial Circle, tumambad sa MMDA at pamahalaang lungsod ang sangkaterbang basura sa kabila na may nakapaskil naman­ na karatulang bawal magkalat at ang sinumang lalabag ay papatawan ng multa.

Nabatid na ilang parke ay ginawang basurahan  ang fountain ng mga pasaway at walang disiplinang namamasyal.

Gayundin aniya ang sitwasyon sa Luneta Park kung saan apaw na apaw sa basura sa mga sulok-sulok nito.

Bukod pa dito ay  makakalanghap pa ng mabahong amoy tulad na mapanghe ang kapaligiran nito.

Kung kaya’t kahapon matapos ipagdiwang ang Pasko ay agad na nagsagawa ng clean-up drive ope­ration  at paghahakot ng mga basura.

vuukle comment

BUKOD

GAYUNDIN

KALAKHANG MAYNILA

KATULAD

LUNETA PARK

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NABATID

PASKO

QUEZON CITY MEMORIAL CIRCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with