^

Metro

2 holdaper utas sa biniktimang parak

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang dalawang holdaper makaraang mabaril ng isang miyembro ng Police Security and Protection Group sa Camp Crame na tinangka ng mga unang holdapin sa lungsod Quezon, kama­kalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Marlon dela Vega ng Quezon City Police District-Cri­minal Investigation and Detection Unit, ang mga nasawing suspect ay kinilalang sina Ruvic Rodil, 25, at Claro Huit Jr., 25; kapwa residente sa San Jose Del Monte Bulacan. Ang mga nasawi  ay personal na kinilala ng kanilang mga magulang sa pinagdalhang pune­raria, ayon pa kay Dela Vega.

Samantala, ang biktimang parak na naka­baril sa mga suspect ay nakaratay din sa St. Lukes Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa baba at kaliwang dibdib ay nakila­lang si SPO4 Alejandro Parta, 51.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Broadway St., corner 14th St., Brgy. Mariana, ganap na alas-8 ng gabi.

Bago ito, katatapos lamang umanong magwithdraw ng pera ang biktima sa ATM machine sa 14th St., at habang naglalakad ay biglang sumulpot buhat sa liku­ran nito ang mga suspect na kapwa armado ng patalim sabay deklara ng holdap.

Isa sa mga suspect ang biglang hinablot ang dalang sling bag ng biktima na naglalaman ng halagang P2,000, mga identification cards at iba pang gamit, pero nanlaban ang huli hanggang sa undayan siya ng mga saksak ng mga ito.

Sa pangambang nasa panganib ang kanyang buhay, kahit sugatan ay nagawang magbunot ng kanyang baril ang biktima at pinaputukan ang mga suspect na siyang agad na ikinamatay ng mga ito.

Agad ding humingi ng tulong ang biktima sa security guard na nagbabantay sa isang restaurant na tumawag ng taxi para madala siya sa nasabing ospital.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) narekober sa crime scene ang anim na basyo ng kalibre 45 baril, isang tingga nito.

vuukle comment

ALEJANDRO PARTA

BROADWAY ST.

CAMP CRAME

CLARO HUIT JR.

DELA VEGA

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

POLICE SECURITY AND PROTECTION GROUP

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with