^

Metro

Pinasok sa bahay kasambahay todas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Palaisipan sa pulisya ang pagpatay sa isang 23 anyos na kasambahay na binaril sa mata ng riding in tandem sa loob mismo ng bahay ng kanyang amo sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Sa ulat ni SPO1 Julius Rempilo, may-hawak ng kaso, kinilala ang biktimang  si Monica Ugay, dalaga at stay-in sa bahay ng amo na matatagpuan sa no. 30 Ermin Garcia St., Brgy. Pi­nagkaisahan sa lungsod.

Isinalarawan naman ng isang testigo ang bumaril na suspect na nakasuot ng t-shirt na kulay puti, at pantalon, katamtaman ang katawan, maitim ang balat, nakasuot ng shades at may taas na 5’5.

Habang ang drvier ng motorsiklo na for registration ay nakasuot ng helmet, puting t-shirt at kulay cream na short pants, katamtaman ang katawan, maitim ang balat, at may taas na 5’3-5’4.

Nangyari ang insidente sa may tinutuluyan ng biktima, ganap na alas-10 ng umaga.

Sinasabing ang biktima ay limang taon ng nagli­lingkod bilang kasambahay sa bahay ni Ms. Lina Cruz Muñoz.

Sa imbestigasyon, ayon sa isang testigo nakita niya ang dalawang suspect na sakay ng isang motorsiklo at huminto sa bahay ng biktima.

Mula dito ay bumaba ang back rider at nagbunot ng baril saka sumilip sa loob ng bahay at binaril ang biktima na tinamaan sa kaliwang mata. Dead on the spot ang biktima, habang mabilis namang tumakas ang mga suspect sakay ng kanilang motorsiklo.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) isang basyo ng bala at tingga ng kalibre 45 baril ang narekober sa lugar na ginamit sa pamamaril sa biktima.

Patuloy ang imbestigas­yon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

BIKTIMA

BRGY

ERMIN GARCIA ST.

HABANG

JULIUS REMPILO

MONICA UGAY

MS. LINA CRUZ MU

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with