^

Metro

Sunog sa Valenzuela: P5-M ari-arian naabo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P5 milyon halaga ng ari-arian ang naabo matapos  masunog ang isang pabrika ng fish cracker sa Valenzuela  City, kama­kalawa ng gabi.

Nabatid  sa Bureau of Fire Protection (BFP) ng Valenzuela City, alas-7:00 ng gabi nang bigla na lamang sumiklab ang apoy sa malaking pugon na may lamang mantika na pinaglulutuan ng mga fish cracker sa loob ng Suntory Industrial Marketing Corporation na pag-aari ng isang negosyanteng Tsinoy na si   William Chua, sa Maysan Road, Brgy. Maysan ng nasabing lungsod.

Dahil nagkalat ang mantika ay mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay ang ka­tabing bodega­ na imbakan naman ng mga de latang produkto at mga pansit.

Nahirapan naman sa pag-apula  ng apoy ang mga bumbero dahil sa mga umano’y nakaimbak na kemikal.

Ideneklara itong fire-out   alas-12:40 ng madaling araw kung saan wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa naturang insidente.

vuukle comment

BRGY

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DAHIL

IDENEKLARA

MAYSAN ROAD

SUNTORY INDUSTRIAL MARKETING CORPORATION

VALENZUELA CITY

WILLIAM CHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with