^

Metro

Ex ni Aiko, kalaboso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang dating­ asawa ng aktres na si Aiko Melendez at isa pang  kasama­han nito matapos na masangkot sa panunutok ng baril sa mga pulis, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nasa custody ngayon ng Pasay City Police detention cell ang mga suspek na sina Martin Jickain, 31, ng Pasig City  at Rommel David Almoro, 27,  ng Kamuning Road,  Quezon City.

Lumitaw sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay City Police,  pasado  alas-12:00 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa  harapan ng Bakahan at Manukan Res­taurant sa may kanto ng Roxas Boulevard at Santa Monica Service Road ng naturang lungsod.

Bago naganap ang panunutok, isa umanong taxi driver ang kinompronta at pinagmumura nina Jickain at Almoro sa naturang lugar nang tiyempong napadaan ang nagpa­patrulyang operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Group (SAID-SOG) na pinamumunuan ni SPO1 Antonio Balois.

Noong una, ay hindi umano pinansin ng operatiba ang nangyaring komprontasyon ngunit nang maka­alis na umano ang kinokomprontang taxi driver ay ang  grupo umano ng operatiba ang pinagsisigawan at  pinagmumura ni Almoro sa hindi malamang dahilan.

Nilapitan umano ng opera­tiba ang sasakyan ng dalawa  para pakalmahin si Almoro ngunit sa halip na  kumalma ay  tuluy-tuloy pa rin umano ang pagmumura nito hanggang sa pumasok na rin sa eksena si Jickain at  inilabas nito ang kanyang baril at tinutukan  umano ang mga operatiba.

Dahil dito, agad nang pumalag ang mga awtoridad at inaresto ang mga ito sabay na hinalughog ang sasakyan at dito nakumpiska kay Jickain ang baril nito, dalawang ma­gazine, 12 bala at ang lisensiya ng kanyang baril.

Nagtangka pa umanong  tumakas ang dalawa ngunit agad itong naharang.

Posibleng mahaharap sa kasong paglabag Comprehensive Law on Firearms and Ammunition, direct assault, at resisting arrest ang dalawa.(Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

ALMORO

ANTONIO BALOIS

COMPREHENSIVE LAW

DRUGS-SPECIAL OPERATION GROUP

FIREARMS AND AMMUNITION

JICKAIN

PASAY CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with