^

Metro

Parak ninakawan sa loob ng police station

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bagitong pulis ang napagnakawan ng baril mismo sa loob ng Caloocan City Police, kamakalawa ng umaga.

Iniulat ni PO1 Carlito Sadasap, ng  Masagana Homes, San Francisco, Bulacan, ang pagtangay sa kanyang service firearm na kalibre .9mm beretta pistol na may isang magazine ng bala.

Itinuturo nitong tuma­ngay sa kanyang armas ang isang Joselito Andres, tauhan umano ng Caloocan Police Firing Range.

Ayon kay Sadasap, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng umaga sa loob ng HCO Office ng Caloocan Police Station sa may Samson Road, ng naturang lungsod.

Inilagay umano niya ang kanyang mga gamit kabilang ang baril sa kanyang locker sa pag-duty niya sa trabaho at umalis. Nang bumalik siya, napansin niya umano ang suspek na si Andres na pinakikialaman ang kanyang locker at kanyang sinigawan ito.

Nagkaroon ng habulan ngunit nagawang makatakas sa hindi mabatid na lugar ng suspek. Nang inspek­syunin ng biktima ang kanyang locker, dito nito nakita na nawawala ang kanyang baril. (Danilo Garcia)

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY POLICE

CALOOCAN POLICE FIRING RANGE

CALOOCAN POLICE STATION

CARLITO SADASAP

DANILO GARCIA

JOSELITO ANDRES

KANYANG

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with