^

Metro

Bebot natagpuang patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaalam pa ng pulisya kung ginahasa muna bago pinatay ang isang babae na natagpuan sa madamo at bakanteng lote  sa Las Piñas City,  kahapon ng umaga.

Habang sinusulat ang balitang ito ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa biktima, na tinatayang nasa 25 hanggang 35-anyos ang gulang, tadtad ito ng saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa insidente.

Sa inisyal na impormasyon na nakarating sa tanggapan ni Senior Supt. Adolfo Samala Jr., hepe ng Las Piñas City Police,   alas-5:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima sa bakanteng lote ng Marquez St., papuntang  C5 Extension, Brgy. Manuyo ng naturang lungsod.

Natagpuan ito ni Meguilito Cabaleda, guwardya ng naturang bakanteng lote dahilan upang kaagad itong itawag sa pulisya.

Iniimbestigahan ng pulisya kung ginahasa muna bago pinatay sa saksak ang biktima.

May hinala ang mga awtoridad na  posibleng itinapon lamang ang bangkay ng babae sa nasabing lugar. Patuloy pa ring iniimbestigahan ang naturang insidente.

 

vuukle comment

ADOLFO SAMALA JR.

BRGY

CITY POLICE

HABANG

LAS PI

MARQUEZ ST.

MEGUILITO CABALEDA

SENIOR SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with