^

Metro

Holiday schedule ng LRT-1 at 2, inilabas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inilabas na ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang holiday schedule ng LRT Lines 1 at 2.

Ayon sa LRTA, sa Disyembre 24 ang kanilang Revenue Operating time ay mula Baclaran hanggang Roosevelt station (north-bound) ay mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-8:00 ng gabi lamang mula sa dating alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ang biyahe naman mula Roosevelt hanggang Baclaran (south-bound) ay gagawing mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-8:00 ng gabi mula sa dating alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-9:30 ng gabi.

Sa Disyembre 31, 2014 naman, bibiyahe ang tren ng LRT-1 mula Baclaran hanggang Roosevelt Station ng mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-7:00 ng gabi mula sa dating alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-9:00 ng gabi.

Ang biyahe naman mula sa Roose­velt hanggang Baclaran Station sa nasabing araw ay gagawing mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-7:00 ng gabi mula sa dating alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-9:30 ng gabi.

Ang mga tren naman ng LRT Line 2 ay bibiyahe mula Santolan hanggang Recto Station (west-bound) ng mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-8:00 ng gabi mula sa dating alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-9:30 ng gabi sa Disyembre 24 habang ang tren mula sa Recto patungong Santolan (east-bound) ay bibiyahe ng mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-8:30 ng gabi mula sa dating alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ginawa naman mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-7:30 ng gabi ang biyahe ng Recto hanggang Santolan Station sa halip na mula alas-5:00 ng madaling-araw hanggang alas-10:00 ng gabi.

 

vuukle comment

ALAS

ARAW

BACLARAN

BACLARAN STATION

DISYEMBRE

GABI

HANGGANG

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

MADALING

MULA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with