^

Metro

Nurse kritikal sa saksak ng ‘Akyat bahay’

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasa kritikal na kalagayan ang isang nurse makaraang tadtarin ng saksak ng mga hinihinalang magnanakaw na nanloob sa kanilang bahay  sa Valenzuela City, kamakalawa ng umaga.

Inoobserbahan sa Fatima Medical Center ang biktimang nakilalang si Elena Enriquez Mendoza, 49, De Guzman Street, Marulas, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Valenzuela Police, nabatid na inutusan ng biktima ang anak na si Noel na magpa-load sa tindahan.  Nang makabalik si Noel  sa bahay dakong alas-10:15 ng umaga, bumulaga na sa kanya ang duguang katawan ng ina. Dali-daling humingi ng saklolo ang anak sa mga kapitbahay at isinugod ang biktima sa naturang pagamutan.

Sa pagsusuri ng mga imbestigador, nakita ang basag na salamin sa masters bedroom ng bahay na posibleng pinasukan ng mga salarin.  Hindi naman malinaw kung may nanakaw sa loob ng bahay ang mga salarin na maaaring nagmamadali sa pagtakas.

Patuloy ang imbestigas­yon ngayon ng pulisya upang makakuha ng dagdag na ebidensya at makilala ang mga salarin. 

vuukle comment

DE GUZMAN STREET

ELENA ENRIQUEZ MENDOZA

FATIMA MEDICAL CENTER

INOOBSERBAHAN

MARULAS

VALENZUELA CITY

VALENZUELA POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with