^

Metro

Kelot na magsisimba, todas sa pamamaril

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang  lalaki  nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang naglalakad patungo sa simbahan sa may  tulay sa Marikina City, kahapon ng madaling-araw.

Dalawang tama ng bala, isa sa likod at isa sa ulo na tu­magos sa mukha ang ikinasawi ng hindi pa nakikilalang biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 30-40-anyos, may taas na 5’4’’, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng itim na t-shirt at maong na pantalon, na mayroong tattoo na Rosary sa katawan habang sa likod naman ay naka-tattoo ang pangalang “Ramel Jan”.

Walang nakuhang pitaka at ID  ang mga awtoridad sa suot na pantalon ng biktima.

Sa ulat ng Marikina City Police, nabatid na dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa Tumana Bridge sa Brgy. Tumana. Ayon kay Renzo  Otanes, 17, ng Singkamas St., Brgy. Tumana, naglalakad sila patungo sa simbahan upang dumalo sa simbang gabi nang makarinig ng putok ng baril.

Nang makatawid sila ng tulay ay tumambad sa kanila ang bangkay ng biktima na sinasabing magsisimba rin sana. Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at ang mga
suspek, gayundin ang motibo sa krimen.

vuukle comment

AYON

BRGY

DALAWANG

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

RAMEL JAN

SINGKAMAS ST.

TUMANA

TUMANA BRIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with