^

Metro

Skyway, SLEX at Star maglilibre sa bisperas ng Pasko at Bagong Taon

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Libreng makakadaan ang mga motorista sa Skyway, South Luzon Expressway at Star Toll Way sa holiday season.

Ito ay bilang Pamaskong regalo ng pamunuan ng Skyway, South Luzon Expressway at Star Toll Way para sa mga motoristang dumaraan sa naturang lugar.

Ayon kay Louie Maralit, tagapagsalita ng Skyway, libre ang toll gate sa mga motorista sa bisperas ng Pasko (Disyembre 24) mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga ng Disyembre 25 (Pasko).

Habang sa bisperas ng Bagong Taon (Disyembre 31) mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-6:00 ng umaga­ ng Enero 1, 2015.

Sinabi nito, na walong oras lamang ipapatupad ang libreng toll sa mga moto­rista  na patungo sa mga probinsiya tulad ng  Ba­tangas, Laguna, Quezon at Bicol Region.

Bukod pa rito handa na rin ang nasabing pamunuan ng naturang mga expressway sa pagdagsa ng mga biyahero  na pauwi ng mga pro­binsiya at paluwas ng Maynila ngayon holiday season.

Kabilang sa kanilang programa, higit nilang paiigtingin  ang traffic at security operations mula Disyembre 21 hanggang Enero 4, 2015.

Sakali aniyang magkaproblema ang mga motoristang dumadaan sa Skyway, SLEX at Star Toll Way, ma­aaring tumawag ang mga ito sa hotline ng Skyway na  ang numiro ng telepono ay 776-77-77 at ng Mates 0917-687-7539.

vuukle comment

BAGONG TAON

BICOL REGION

DISYEMBRE

ENERO

LOUIE MARALIT

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

STAR TOLL WAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with